Posts

HAKBANG TUNGO SA TAGUMPAY

Isa ka rin bang etudyante kagaya ko?Marami akong pangarap ngunit ang pumapasok sa aking kokote na tila ba’y hindi ko na maaabot ang mga ito.Sa panahon ngayon, ang kabataan ay puno ng mga pangarap at ambisyon. Maraming estudyante ang nahihirapan dahil sa limitadong pinansyal na suporta para sa kanilang pangangailangan. Isa sa mga solusyon dito ay ang pagsisimula ng isang negosyong maaaring pagkakitaan habang nag-aaral pa lamang. Sa pamamagitan ng negosyo, matututo silang mag-balanse ng oras at responsibilidad, at makakamit ang kanilang mga pangarap kahit na may mga hamon sa daan patungong tagumpay. Kapag ikaw ay pumasok sa isang negosyo, kagaya ng pagbebenta ng mga ibat ibang produkto(pabangu, damit,at iba pang pwedeng ibenta) ay hindi lamang nagbibigay ng dagdag na kita kundi nagsisilbi ring disiplina upang matuto.Mahalagang hanapin ang isang negosyo na tugma sa kakayahan at interes ng estudyante upang mas mapadali ang trabaho para sa kanya.Dapat isaalang-alang ang oras , hindi dap...

Pagkakapili ng Wikang Tagalog bilang Batayan ng Wikang Pambansa

 Ang pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Idineklara ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa matapos ang masusing pag-aaral at rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa. Maraming mga dahilan kung bakit napili ang Tagalog sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika at diyalekto sa bansa. Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang lawak ng paggamit ng Tagalog. Sa mga rehiyon ng Luzon, partikular sa Maynila at mga kalapit na lalawigan, ito ang pangunahing wika ng komunikasyon. Bagamat may iba pang wika tulad ng Cebuano at Ilokano na ginagamit ng malaking bahagi ng populasyon, ang Tagalog ang nagkaroon ng malawakang impluwensiya sa bansa at sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ang pagkakapili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay hindi lamang tungkol sa pagpili ng isang wika, kundi isang hakbang patungo sa pagbuo ng isang pambansang identidad. Ang wikang pambansa ay nagsilbing instrumento ng pagk...

Ang kalagayan ng wikang Filipino sa edukasyon sa kasalukoyang panahon

  Ang wikang Filipino ay nananatiling mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas, ngunit mas marami na ang gumagamit ng ibang wika kagaya na lamang ng ingles at patuloy ang hamon upang ito'y maging tunay na sentro ng pagtuturo at pagkatuto. Kailangan mas palawakin rin natin ang ating pagpapahalaga sa ating wikang Filipino upang ito ay higit pang umunlad sa larangan ng edukasyon at mas maging makabuluhan sa buhay ng bawat mamamayan o Pilipino.

MALAMBOT SA GABI

Nanggaling  ako sa trabaho ,ako'y pagod na pagod, naligo ,at nagpalit ng damit ,kumakain habang nanonood ng TV ,pumunta ako sa silid at pinatay ko na ang ilaw ,ako'y humiga dahil gusto ko nang matulog ngunit hindi ako maka tulog kaya siya'y  aking niyakap ng mahigpit hinimas-himas ,pinisil-pisil at sinabing "kaya ikaw ang paborito kong yinayakap tuwing gabi dahil napaka lambot ng iyong dibdiban at kakaiba ang aking mararamdaman kapag ika'y hinahawakan,ahhhhh". Ang pakiramdam ko kapag niyayakap ko ang aking "unan" ay napaka gaan , na para bang nawawala ang aking pagud dahil napaka lambot at napakagaan ito sa pakiramdam.